Tuesday, 14 November 2017
Love found in the Light Chapter 7
Sumapit muli ang umaga araw ng Sabado. Ang araw na muling magtatagpo sila Rowena at Marlon.
Nagbukas na si Marlon sa kanilang tindahan habang tinutulungan siya ni Joan para mag ayos sa tindahan.
Joan: kuya mag kape muna tayo. Nilalamig na kasi tinyan ko.
Marlon: nananaginip ka lang.
Pabiro na sinabi ni Marlon.
Marlon: oh sige timplahan mo ako ng gatas bawag kasi ako sa kape.
Agad nagtungo sa kusina si Joan para maghanda ng kape at gatas, habang abala si Marlon sa pag aayos.
Makalipas ang ilang oras parating na si Rowena sa paradahan. Nag-aabang naman si Marlon sa harap ng kanilang tindahan para makita si Rowena. At mayat maya dumating narin si Rowena at nagtungo siya agad sa tindahan nila Marlon para makita niya ito. Nakita naman siya ni Marlon at lumapit siya rito.
Marlon: Hi Rowena.
Rowena: hello.
Marlon: kamusta, kamusta ang pag aaral mo at kamusta na ang puso mo?
Rowena: puso talaga?
Marlon: bakit wala ka bang Boyfriend?
Rowena: wala, hinihintay nga kita eh.
Marlon: wow bakit?
Rowena: sira iba iniisip mo, hinihintay kita mag text diba nga kinuha mo mobile number ko nong monday, up to now wala ka pag text.
Marlon: sorry ha. Ang totoo niyan wala talaga akong CellPhone.
Rowena: ganon ba.
Marlon: hayaan mo makiki-text nalang ako kay Joan may CellPhone kasi siya.
Rowena: sino siya, girlfriend mo?
Marlon: hindi ah. Kasama namin siya dito sa tindahan, sa katunayan wala pa akung Girlfriend.
Natuwa nama si Rowena sa sinabi ni Marlon na wala rin itong Girlfriend.
Habang nag-uusap sila Rowena at Marlon hindi nila na mamalayan na nakatingin si Joan sa kanila at nakakaramdam siya ng sama ng loob dahil sa selos. Lumapit si Joan sa dalawa at para maisturbo niya sila Marlon at Rowena.
Joan: Hi girl. ako nga pala si Joan Girlfriend ni Marlon.
Rowena. Ha! Marlon akala ko ba wala kang Girlfriend?
Marlon: baliw navbibiro lang yan si Joan.
Joan: grabe ka Marlon ha matapos ang lahat lahat ganito ang gagawin mo sakin.
Nagbiro si Joan at dahil sa biro niya agad na umalis si Rowena.
Marlon: Rowena saan ka pupunta.
Rowena: sinungaling!
Galit si Rowena na umalis.
Marlon: grabe ka naman Joan ano itong ginawa mo pinahiya mo naman ako sa babaeng nagugustohan ko.
Joan: sorry kuya nagawa ko lang naman yon dahil nagseselos ako.
Marlon: jan ka na nga.
Umalis si Marlon sa tindahan para hanapin si Rowena at magpaliwanag pero hinsi niya na ito nakita pa.
Kinagabihan nasa labas si Marlon at ng mumuni muni nag-iisip kung paano sila magkakaayos ni Rowena.
lumapit si Joan aa kanya at ng sorry siya rito.
Joan: kuya sorry sa nagawa ko.
Marlon: ano pa magagawa ko eh nanyari na.
Joan: hmm ganito nalang para makabawi ako ipapahirap ko sayo cellphone ko, narinig ko kayo ni Rowena nong nag-uusap kayo may plano ka humirap ng Cellphone ko para magkaroon kayo ng communication.
Marlon: pag iisipan ko. Sige jan ka na at matutulog na ako.
Umalis si Marlon habang si Joan umiiyak siya dahil sa maling nagawa mas lalong lumayo ang loob ni Marlon sa kanya, para makabawi siya kay Marlon ipapahiram niya ang kanyang Cellphone na kahit alam niya na pwede magkatuluyan sila Marlon at Rowena wala siya magawa para lang gumaan muli ang loob ni Marlon para sa kanya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment