Matapos ang kasiyahan sa fiesta ng Cauayan City noong gabi yon at Kinabukasan naghahanda na ang Ina ni Rowena nagmakakain. Nagtanong ang kanyang Ina kung saan ito galing gakabi. Sinagot naman ito ni Rowena at ang sabi "namasyal lang kami ng kaibigan ko". Di alam ni Rowena na hinuhuli na pala siya ng kanyang Ina. Alam ng kanyang Ina kung saan galing kagabi si Rowena dahil may nakapag sabi sa kanya. "Alam ko kung saan ka galing at kung sino ang iyong kasama" sabi ng kanyang Ina. "Sino naman po ng sabi sa inyo Ina" tanong ni Rowena. "Simula ngayon wag ka na makikipag kita kay Marlon" sabi ng Ina ni Rowena. sagot naman ni "Bakit mabait naman po si Marlon". hindi pinakigan si Rowena ng kanyang Ina. Nag-iwan ng salita ang kanyang Ina na kung makikipag kita parin siya kay Marlon paghihintohin siya sa kanyang pag-aaral.
Matapos iyon ng text si Rowena kay Marlon. "Mahal promise mo kahit magkalayo tayo kahit na mawalan tayo ng kuminikasyon sana ako parin ang mahal mo may mga bagay na di pa natin kaya ipaglaban ang isat isa dahil bata pa tayo pero tandaan mo mahal na mahal kita nasa ganon ka rin mahal ko". Nasabasa naman ito ni Marlon at nangako siya na kahit ano magyari patuloy niya itong mamahalin.
Sa kabilang banda kinuha ang cellphone ni Rowena ng kanyang Ina dahil ayaw nito magkaroon ng kuminikasyon sila Rowena at Marlon. Wala magawa si Rowena kundi umiyak. Kinuha ng kanyang Ina ang Sim Card mula sa Cellphone at binali ito sa harap ni Rowena. Hindi na nalaman ni Rowena kung nag reply ba si Marlon sa text niya wala rin siya maisip kundi magtiwala sa taong minamahal niya.
Walang nahintah si Marlon na Reply ni Rowena wala siya kamalay-malay na ito na pala ang last message na narecieve niya mula kay Rowena.
Lumipas ang ilang araw di narin masilayan ni Marlon si Rowena sa kanilang Tindahan tuwig araw ng Sabado. Lumipas ang buwan hindi parin nito nakikita si Rowena. Alam ni Marlon na mahal na mahal siya nito at nananatiling buo ang pangako niya kay Rowena na kahit ano magyari siya parin ang mamahalin nito. Lumipas ang Pasko, Bagong Taon, Valentines Days at iba pag Holly Day. Hindi parin nito nasisilayan.
Habang lumilipas ang ilan araw at buwan mas lalong nanindigan si Marlon na si Rowena parin ang mamahalin kahit na ilang buwan na silang walang kuminikasyon sa isat isa. Nangako siya sa kanyang sarili na maghihitay siya hanggang makita muli sila.

No comments:
Post a Comment