Friday, 17 November 2017

Love found in the Light Chapter 10


Kinabukasan.

Sinilip ni Rowena ang kayang text message mula kay marlon at binasa niya ang muli ang kanilang conversation. Nanindigan si Rowena na dapat manligaw si Marlon. Gusto rin nito na mapatunayan sa sarili niya na kung totoo ba ang sinasabi ni Marlon na gusto rin siya.

Nag text si Rowena kay Marlon na dapat muna siyang manligaw at kung hindi iiwas niya ito. Nabasa naman ni Marlon ang text ni Rowena. Wala magawa si Marlon kundi patunayan na mahal niya si Rowena kaya naman nanligaw siya at patunayan na totoo ang nararamdaman niya kay Rowena. Simula sa araw na iyon niligawan niya na si Rowena sa pamamagitan ng text.

Habang si Joan nakapag isip isip siya na dapat niya ng isuko ang kanyang nararamdaman para kay Marlon at ipaubaya nalang ito kay Rowena. Dahil mahal niya si Marlon kaylangan niya tanggapin na magiging masaya si Marlon sa piling ni Rowena. Maya-maya kinausap niya si Marlon

Joan: kuya. Di na pala ako magtatagal bukas uuwi na ako samin.

Marlon: haa! Bakit.

Joan: basta.

Marlon: ang daya naman.

Joan: ikaw kasi eh.

Marlon: bakit ako. Ok naman tayo ah.

Joan: nakakainis ka kasi ang manhid mo.

Marlon: about naman ba ito sa nararamdaman mo. Sorry joan pero may mahal na ako.

Joan: alam ko, kaya ako nalang iiwas. Goodnight matutulog na ako.

Umiiyak si Joan na pumasok sa kwarto. Sinundan siya ni Marlon sa kwarto.

Marlon: ito na cellphone mo. Sorry kung nasaktan kita ko naman sinasadya.

Joan: Ok lang kasalanan ko naman eh. Di ko napigilan sarili ko na inlove sayo.

Lumabas na si Marlon mula sa kwarto ni Joan at nag-iwan ng minsahi na "Sorry kung darating ang araw na magtagpo muli tayo at sa araw na iyon sana parihas tayong Single, Goodnight"

No comments:

Post a Comment