Sa kabilang banda. Naghahanda na si Rowena para pumasok sa school nito, At habang naghahanda panay ang silip nito sa kaniyang cellphone hinihintay ang text ni Marlon, Pero wala siya nareceive na text mula kay Marlon hanggang sa nakapasok na siya sa school.
Sa kabilang daku naman. Naghahanda narin si Joan para umuwi sa kanilang tahalan. Sinubukan siya kausapin ni Marlon na baka pwede pa mabago ang isip nito na wag nalang umalis, pero nagpumilit si Joan na umuwi nalang. Hindi napigilan ni Marlon kaya naman tinulungan niya ito mag ayos ng gamit nito at hinatid nito sa paradahan kung saan patungo ang Bus sa bayan ni Joan.
Matapos ihatid ni Marlon naisip niya na wala na siyang magagamit na cellphone para makaroon sila ni Rowena ng communication, naisip niya na magipon para makabili ng sariling niyang cellphone.
Makalipas ang limang araw. Wala pa nahihintay na text si Rowena galing kay Marlon. Sumapit ang araw ng Sabado nagtungo siya sa tindahan nila Marlon at kausapin ito kung bakit wala pa itong text sa kanya. Pakarating sa Tindahan agad niya nasilayan si Marlon dahil naghihintay rin si Marlon sa mga oras na iyon dahil alam niya na darating si Rowena tuwig araw ng sabado.
Nag usap ang dawala. Tanong ni Rowena kung bakit wala pa itong text sa kanya sagot naman ni Marlon na wala siya mahiraman na cellphone dahil si Joan umuwi na sa kanilang tahanan. Nakiusap si Marlon kay Rowena na kung maaari isang buwan di mula makakapag text si Marlon sa kanya dahil mag-iipon siya pagbili ng cellphone. Naintindihan naman ito ni Rowena at sagot nito "total nakikita naman tayo tuwig araw ng Sabado kaya ok lang basta magtext ka kung meron na"
Tuwing sasapit ang araw ng Sabado. doon lang sila kakapag usap ang dalawa sa tuwing darating si Rowena sa tindahan nila Marlon. Lagi may dalang makakain si Marlon para kay Rowena. Kahit walang cellphone mas gusto matunayan ni Marlon na mahal niya si Rowena at mas gusto pa nito manligaw sa personal kaysa sa text lang.
At makalipas ang isang buwan. Nakabili narin si Marlon ng kanyang cellphone. Nag text siya kay Rowena para sabihin na nakabili na siya ng kanyang sariling cellphone. Nagreply naman si Rowena. At ang laman ng text ay "sa wakas may cellphone kana kasi sa text may mahalaga akung sasabihin na di ko kayang sabihin sayo ng personal, pinatunayan mo at naramdaman ko na totoo ang pagmamahal mo sakin, kaya ngayon sasabihin ko na yong hindi ko masabi ng personal sayo na Mahal din kita"; nabasa ni Marlon ang text ni Rowena at tuwag-tuwa ito sa nabasa na mahal rin siya ni Rowena, nagreply naman si Marlon at nagtanong kung magiging sila na ba. Reply naman ni Rowena ay "Oo".

No comments:
Post a Comment