Thursday, 26 October 2017

Love found in the Light Chapter 6


The end of the day. Nakauwi na si Marlon
galing sa simbahan naabutan niya si Joan na naghahanda na nag kanilang hapunan.

Joan: Hello kuya nakauwi ka na pala.

Marlon: oo kagagaling ko mula sa simbahan upang magsanay ng piano.

Joan: wow marunong ka pala mag-piano turuan mo naman ako.

Marlon: sige kapag tapos na mga trabaho natin dito sa puwesto.

Joan: sige kuya. Halika ka na kuya at kumain na tayo.

Marlon: sige tawagin ko lang si Lola at nag makakain na tayo.

Matapos ang hapunan nila Lola, Joan at Marlon. Agad na nagtungo si Marlon sa kanyang kwarto para magpahinga. Habang si Joan ay natapos na mag-ayos sa kusina nagtungo rin siya sa kwarto para maka usap niya ito.

Joan: Hello kuya pwede ba ako pumasok sa kwarto mo?

Marlon: ha ano naman ang gagawin mo rito?

Joan: kasi gusto kita.

Marlon hhhaa ano sabi mo?

Joan: wala, ang sabi ko gusto ko kitang maka usap kung papayagan mo ako.

Marlon: hmm sige buksan mo nalang ang pinto at pumasok ka.

Joan: sige.

Nakapasok na si Joan at nagtanong kung maaari bang humingi ng payo.

Joan: kuya pwede ba ako humingi ng payo sayo?

Marlon: Sure! Ano ba yon?

Joan: ano ba ang tapat kung gawin upang mapansin ako ng taong gusto ko.

Marlon: mahirap na tanong yan una sa lahat lalaki ako di ko alam ang nararamdaman ng isang babae sa bagay nayan. Pero ito lang masasabi ko dapat alamin mo ang mga bagay na magpapasaya sa taong gusto para mapansin ka nya.

Joan: paano ko naman gagawin iyon:

Marlon: bahala ka. Alam mo kapag makikita mo ang isang taong gusto mo bigla nalang may papasok sa isip mo kung ano ang dapat mong gawin para mapansin ka niya. Ito ang nagagawa ng pagmamahal may mga bagay na magagawa mo dahil lang sa pag-ibig na di mo akalaing magagawa mo iyon.

Joan: grabe ka kuya ang layo naman ng iyong sagut. Pero salamat nalang.

Marlon: basta tandaan mo lang ang sinabi ko.

Joan: sige, siya pala kuya. Ano ano naman ang mga gusto mo sa isang babae.

Marlon: Sa akin nalang iyon.

Joan: sige na kuya.

Marlon: alam mo lahat ng tao may mga ideal boy, ideal girl sila sa taong pinapangarap nila. Pero sa inreality kapag na in love ka sa isang tao na kahit sino pa siya ay tatanggapin mo. Magkaiba kasi ang ninanais ng ating isip, magkaiba rin ang nararamdaman ng ating puso.

Joan: wow may nalalaman ka pa lang ganyan kuya.

Marlon. Hhmm mabuti pa matulog na tayo.

Joan: sige kuya goodnight po.

Marlon: goodnight rin.

Matapos iyon nakatulog na si Joan na may natutunan mula kay Marlon.

No comments:

Post a Comment