Thursday, 26 October 2017

Love found in the Light Chapter 5


Sa parehong araw si Marlon ay patungo sa simbahan para magsanay ng piano.

Naabutan niya rito si Mary Jane ang kababata ni Marlon. si Marlon ay dati na may gusto kay Mary Jane. Ang kaso hindi siya gusto nito kaya naman tinanggap na lang ni Marlon na magkaibigan na lang sila.

Marlon: hi Mary Jane kamusta.

Mary Jane: ohh ikaw pala yan, ito ayos lang.

Marlon: ohh ayos ka ba talaga, kasi nakita kita malalim ang iyong iniisip, may problema ka ba Mary Jane?

Mary Jane: Ang totoo meron, mayroon ako napupusuan na lalaki, ang problema di niya ako gusto dahil narin sa mayroon na siyang kasintahan iba.

Marlon: aray ko mahirap nga yan, bakit ba kasi di nalang ako samantalang naghihintay ako sayo noon.

Mary Jane: Noon?

Marlon: oo noon kasi kung ipagpapatuloy ko nararamdaman ko sa iyo masasaktan lamang ako dahil di mo ako gusto. Ngayon nararanasan mo na ang naranasan ko noon.

Mary Jane: sorry Marlon wala talaga ako nararamdaman sayo.

Marlon: ayos lang tanggap ko natin naman.

Matapos ang usapan nila Mary Jane at Marlon nagtungo na si Marlon sa loob ng simbahan para magsanay ng piano.

Sinundan naman ni Mary Jane sa loob para dinggin ang musika na nagmumula sa piano.

Ang Pinapatugtog ni Marlon sa piano ay "Open Arms"

Habang nakikinig si Mary Jane naalala nya si Marlon dahil ang musika nayon ang pinatugtog ni Marlon noong nililigawan pa siya.

Umalis muna si Mary Jane at lumabas para bumili ng makakain at para bilhan narin ng pagkain si Marlon.

Si Marlon naman ay patuloy sa Pag-eensayo.

Matapos makabili ng makakain si Mary Jane agad na siya tumungo sa simbahan. Nakita niya si Marlon na patuloy pa rin sa pag-eensayo at lumapit na siya kay Marlon.

Mary Jane: Marlon mamaya ka na ulit mag-ensayo kumain muna tayo mag dala akong makakain.

Marlon: wow nag-abala ka pa.

Mary Jane: gusto ko lang humingi ng tawad sayo.

Marlon: tawad? para saan naman.

Mary Jane: dahil sa nagawa ko sayo di ko ninais na saktan ka.

Marlon: ano ka ba matagal nayon nakalipas nayon at dapat kalimutan.

Mary Jane: alam mo ba ang pakiramdam na may nagugusto ka sa isang tao pero di ka niya gusto samantalang may nagkakagusto sayo pero binaliwala mo lang siya, tapos sa huli maiisip na sana pala yong tao nagkakagusto sayo siya nalang sana ang pinili mo.

Marlon: di ko pa yan nararanasan pero mahirap nga yan.

Hindi pinansin ni Marlon ang pagpaparinig ni Mary Jane. Habang si Mary Jane nanahimik nalang.

No comments:

Post a Comment