Thursday, 26 October 2017
Love found in the Light Chapter 4
Sa kabilang banda, naghahanda si Rowena ng mga gamit nya na gagamitin para bukas, at bigla niya na alala si Marlon at sabi niya kanyang isip na "kamusta na kaya siya, sana iniisip niya rin ako, at sana talaga gusto niya rin ako" yan ang dalangin ni Rowena na sana maramdaman ito ni Marlon
Kinabukasan nakahanda na si Rowena para bumasuk sa school at lumapit ang kanyang Ina para ibigay ang kanyang baon na pera at pinag sabihan siya nito.
Ina: Anak mag-aral ka ng mabuti at wag munang makipag-boyfriend.
Rowena: opo Mama.
Ina: Anak may mga darating na lalaki sa buhay mo na akala mo kayo na pero may darating pa pala na mas karapat dapat sayo sa tamang lugar at sa tamang pagkakataon, kaya wag ka mag madali mag-aral ka muna at kusa na iyon dadarating sa buhay mo.
Rowena: opo mama tatandaan ko po yan.
Ina: mabuti naman kung ganon anak. halika na at pumasok na sa school mag iingat ka anak ha.
Rowena: opo.
Sa pagpasok ni Rowena sa school nakasalubong nya si Patrick, si Patrick ay heartthrob sa kanilang school. Matanilo, Gwapo at may gusto rin siya kay Rowena pero iniwasan siya ni Rowena dahil sa napakayabang ni Patrick sa kanilang school. Nagmamadali si Rowena patungo sa classroom nila pero sinundan siya ni Patrick.
Patrick: Hi Rowena
Rowena: Hello
Patrick: kaylan mo ba ako sasagutin mahal.
Rowena: wag ka masyadong felling na akala mo lahat babae mapapasagot mo.
Patrick: wow para namang ang dami kung girlfriend samantalang ikaw lang naman ang nililigawan ko.
Rowena. Tumigil ka nga marami akung alam tungkol sayo marami ka na ngang pinaingak na babae eh tapos marami ka pag nililigawan at may balak ka pang isabay ako.
Patrick: hindi totoo yan mahal
Lumapit si Rowena kay Patrick kasunod ay sinampal nya si Patrick. At sinabi niya kay Patrick "wag mo ako tatawagin mahal at di mo naman ako pagmamay-ari" at matapos iyon umalis na si Rowena para pumasok sa School.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment